Komedya at Pag-ibig
Cast of Characters:Bochok: Isang aspiring na komedyante sa entablado ng Kalachuchi
Serendipity: Magandang dilag na mala-anghel ang boses na hulog ng langit
Tonyang: Bespren ni Serendipity na may ari ng isang pawnshop
Chem: Isa rin sa kaibigan ni Serendipity na dancer sa Kalachuchi Komedy Bar
Lala: Dancer sa KKB, Medyo slow lang sa pagintindi.
Kurts Lee: Dancer na sobrang streyt ang buhok
RRJ: Stand up na comedian na 10 years na sa KKB
Kulas: Bespren ni Bochok na isang presidente ng famous flavored Balut
Aling Goreng: Ina ni Serendipity
Don Cristan: isang regular customer na patay na patay kay Serendipity
Bruno: Masugid na manliligaw ni Serendipity at Direktor sa entablado ng Kalachuchi
Bengsong: Bading na sidekick ni Bruno na talent scout
Ekay: May ari ng karenderia na malapit sa Kalachuchi
Isang araw sa Kalachuchi Komedy Bar...
May nakapaskil sa harap ng Komedy Bar: "Wanted: Stand Up Comedian
Audition Inside"
Bochok: Aba! Pagkakataon ko na ito para madiscover at sumikat, malay natin makita ako sa telebisyon nito!
Bochok: Magandang araw ho! Mag au-au-dition po sana ako bilang isang Stand Up Comedian.
Bengsong: (Pabulong na kinausap ang sarili) Wow mukhang dakota at epek ang minolang itashi...
Bengsong: (Malalim at lalakeng lalake ang boses) Naku! Eksakto, pre kulang pa kami ng isang komedyante sa aming mga talents! Galingan mo pare ha! Sige Umpisahan mo na!
.....(Pagkalipas ng 59 minutes)
Bengsong: Pare magaling ka at nagustuhan ko ang ginawa mo, natawa talaga ako, pasado kana sa akin! Bumalik ka mamyang gabi upang makilala at ma-screen ka ni direk! Congrats ulit pare (Sabay yakap kay Bochok at Pabulong na kinausap ang sarili) Pak na pak itashing minolang itech at ang bango pa... I think im falling for him...
Bochok: Maraming salamat po! Asahan nyo na hindi po kau mapapahiya sa aking gagawin po mamyang gabi!
Bengsong: Oh! pano pare see tonight 7PM sharp! I have to go at pupuntahan ko pa mga chikas ko!
Bochok: Ok po sir! See yo po tonight! Thank you po ulit!
.....7PM sa Kalachuchi Komedy Bar (KKB)
Bengsong: Ok girls sige giling pa! Wag lalamya lamya! I want more energy!
Bochok: (Kausap ang sarili) Talagang tong si sir Bengsong mukhang chikboy...
Bochok: Ehem! Sir Bengsong good evening po!
Bengsong: Ah kaw pala yan Bochok! (Nakipag apir then shake hands at kinikilig ang lola mo) Halika pare! I want you to meet the girls, by the way this is Chem, Lala and Kurtslee they are called the KKB Solid Nation Dancers, Liquid Gold or in short KKBSNDLG. Girls this is Bochok! (Binulungan si Chem...akin sya...wag eksenadora)
The Girls: Hi Bochok!!!
Bochok: Nice to meet you girls! Parang KaKaBaSaNaDaLaGa pangalang nyo ha!
Chem: In fairness may tama ka!
Lala: Mukha ba kaming ka-ka basa na Dalaga? Eh isang araw na kaming di naliligo! Haha!
Kurtslee: (Tumingin kay Lala sabay kurot) Sira ka talaga Lala bat mo sinabi yun? Joke nya lang un!
Bochok: Ok lang un, I think Im going to love this place!
Bengsong: I'm sure you will! (Flashing a pa-cute na smile)
.....7:45PM sa KKB pa rin
(Kumalabog ang pinto)
Bruno: Bengsong! Bengsong! Asan ka bang bakla ka!
Bengsong: Yes direk andito po ako!
Bruno: Ano sched natin tonight?
Bengsong: Dati pa rin po, the KKBSNDLG group, then RRJ, then the Band, then our main attraction si Serendipity, siya nga pala sir meron po tayong bagong mag-audition.
Bruno: Aba! Siguraduhin mo lang na magaling yan!
Bengsong: Opo sir! Magaling po ito...(kinawayan si Bochok na nakikipagkwentuhan sa mga dancers) Pare! Halika! Gusto kang makilala ni Sir Bruno.
Bochok: Ok po sir im coming
Bengsong: By the way sir this is Bochok, Bochok si Sir Bruno ang direktor at may ari ng KKB.
Bochok: Nice to meet you sir! (Kinamayan si Bruno)
Bruno: Nice to meet you too, well shall we start you piece?
Bochok: Yes Sir!
....After 30 Minutes
Bruno: That was fantastic! Bravo! Tawang tawa talaga ako sa mga banat mo, I like your style natural na natural kang magpatawa! Good Job! Tanggap kana!
Bochok: Thank you po sir! (Tumatalon sa tuwa!)
Bengsong: (Niyakap si Bochok nananantsing) Congrats pare! Sabi ko naman sayo magugustuhan ka ni direk
Bochok: Oo nga po sir! Kung di dahil sa inyo hindi po ako makukuha dito!
Bengsong: Your welcome! O pano first sweldo mo date tau ha? Ah este inom tau pare!
Bochok: Sure po sir!
.....Sa Bahay nila Serendipity
Serendipity: Inay! Yung damit ko po ok na po ba?
Aling Goreng: Oo anak! Handang handa na, tatawag na ba ako ng tricy?
Serendipity: Hindi na po inay! Susunduin po ako ni Tonyang, sya pang tipid yon!
Aling Goreng: O sya sige! Mag-iingat ka at wag mong kalimutan na dalhan ako ng pansit pag-uwi mo.
Serendipity: Opo inay makakalimutan ko ho ba yon e lab na lab kita!
Aling Goreng: Maraming salamat anak, kung nabubuhay lamang ang nasira mong tatay, eh di sana hindi mo na kailangan magtrabaho at ngaun ay nasa kolehiyo kana upang matapos mo ang kurso mong Narsing. (Hawak ang litrato ng nasirang asawa)
Serendipity: Inay... tama na nga yan, alam natin na nasa mapayapang lugar na si Itay (Sabay kuha ang litrato ng nasirang ama at nilapag sa may estante)
Aling Goreng: Hiyang hiya na kasi ako sa iyo anak.
Serendipity: Wag nyo pong isipin yan (Sabay kanta ng Paboritong kanta nilang mag-ina, That's What Friends are for... "Keep Smiling, Keep Shining knowing you can always count on me...that's what friends are for, napaluha sabay ngiti sa ina)
Aling Goreng: Hay...sige na nga at umalis kana baka bumaha pa dito ng luha natin!
Serendipity: Oo nga po! Hintay ko lang tawag ni Tonyang, may kumakatok baka si Tonyang na to.
Tonyang: Halerrr!!! Good evening mudra!! Aba!!! Anong drama at eklavush to? Mukhang pang tele-serye ang eksena dito???
Aling Goreng: Naku wala to, o sya humayo na kau at magingat kau!
Serendipity and Tonyang: Opo inay!
....Pinaandar na ni Tonyang ang kanyang D-max sabay busina sa tapat ng bahay nila Serendipity.....
.......8:30PM Sa Kalachuchi Komedy Bar
Bengsong: Ready na ba kau mga girls?
The Girls: Yes po madam!
Bengsong: Anong madam? (Pabulong na sinabi) Hindi nyo ba nakikita anjan c Bochok...
The Girls: A..E..Sir pala... Sorry po sir!
Bengsong: Ok! Lets get down to business
The Girls: Yes sir!
Bochok: Sino ba sa kanila ang syota mo sir?
Bengsong: Wala sa kanila tipo ko pre, (Kinakausap sarili) kasi ikaw ang like ko.
Bochok: Pihikan ka rin pala sa babae sir?
Bengsong: Tama ka jan pre, o pano goodluck mamya sa show, galingan mo.
Bochok: Opo sir!
Bruno: Bengsong! All set na ba tau?
Bengsong: Naku sir hindi pa po at wala pa po si Serendipity.
Bruno: Ah ganun ba? Cge let's wait for her then we'll start the show
Bengsong: Copy sir!
....9:15PM Sa Kalachuchi Komedy Bar pa rin
Serendipity: OMG! Im 15 minute late... baka magalit si Sir Bruno nito
Tonyang: Don't worry you are still the star of the show!
Serendipity: Star na kung star! But that does not give me the reason to be late.
Tonyang: Relax! Chill! Inhale-Exhale..
Serendipity: Ok fine!
Bengsong: At bat ngayon ka lang? (Nakatingin kay Serendipity)
Tonyang: Na traffic po kasi kami.
Bengsong: Am I talking to you? Mahaderang to! And besides who gave you the permission to be inside the dressing room? Hindi ka ba marunong magbasa? "Restricted Area" nakalagay o!
Serendipity: Tama na nga yan mama Beng...ang wrinkles sige ka (Sabay yakap at lambing kay Bengsong)
Bengsong: Ano ka ba Serendipity...Don't call me Mama Beng baka marinig nung bagong minola ditech na pak na pak! At yummy pa! Truelily! Im sure bet mo rin yun!
Serendipity: Sino ba yang tinutukoy mo?
Tonyang: Siya nga naman..Sino ba yan ipakilala mo nga sa akin ng matikman!
Bengsong: Gaga! Akin sya! Wag Daotera! Bochok ang name nya... Ayun sya oh! (Sabay turo kay Bochok na nagprapraktis sa kanyang gagawin mamya) Pare!!!
Bochok: (Sabay lingon kay Bengsong at ngflash ng mala-Piolong smile sa kanila) O pare ano yun?
Bengsong: Halika! I want you to meet someone..
Bochok: (Naglakad papalapit sa kanila na mala-Jacob ng twilight ang dating na hinahawi ng electric fan ang buhok) Ok pare.
Bengsong: (Tila naglalaway na) Nga pala pare meet Serendipity ang star dito sa KKB..
Bochok: (Natulala at nabighani kay Serendipity na mukhang na love at first sight) Hello...Nice to meet you po ma'am..(Sabay nanginginig na nakipagkamay)
Bengsong: Serendipity si Bochok nga pala bagong stand up comedian natin dito sa bar.
Serendipity: Ito naman kapag makapag ma'am wagas!
(Itutuloy....)
No comments:
Post a Comment